Printer-Friendly PDF Version
US Legal (8.5 x 14)
.pdf
Download Adobe Acrobat Reader

NAMATAY BA ANG DIYOS PARA SA IYO?


Tanong: Ito ay hindi pangkaraniwang katanungan. Bakit kinakailangang mamatay ang Dios para sa akin?

Sagot: Ito ay sa kadahilanang ang Bibliya ang nagsasabing nang dahil sa kasalanan ng sanlibutan, lahat ng tao ay may karampatang kamatayan–––ang pangalawang kamatayan na walang hanggang kaparusahan:

At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.

Genesis 2:16,17

Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan;…

Mga Taga-Roma 6:23

Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: Na siyang tatanggap ng kaparusahan,na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.

2 Mga Taga-Tesalonica 1:8,9

At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.

Payahag 20:14

Ngunit ang Dios ay bumuo ng plano ng kaligtasan na kung saan ay nagpasya Siyang magligtas ng ilan (hindi lahat) sa kabuuan ng sangkatauhan, sa pamamagitan ng pag-ako ng kanilang mga kasalanan at mamatay sa halip na sila. Siya, samakatwid, ang naging kapalit nila. Kamangha-mangha, ang Ebanghelyo ng Bibliya ay nagpapahayag na ang Diyos ang tumanggap ng mga kasalanan ng mga rebeldeng makasalanan at binayaran ang multa (buhat nang bago pa man itatag ang sanglibutan) na katumbas para sa bawat isang nagdurusa magpakailanman:

…sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.

Isaias 53:8

At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.

Payahag 13:8

Ang Diyos (sa katauhan ni Cristo Jesus) ay dumanas ng kakila-kilabot na kahihiyan at kaparusahan sa kasalanan sa kapakanan ng mga pinili ng Diyos. Bunga ng pagpapakasakit ni Cristo, ang kanyang mga hinirang ay hindi kailanman makakaranas ng walang hanggang kaparusahan. Ang kamatayan ni Cristo ay lubos upang pagbayaran ang mga kasalanan ng ilan at ganapin ng lubos ang mga pangangailangan ng Batas ng Diyos:

Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.

Isaias 53:11

Sa minsang ang kasalanan ay napagbayaran nang buo, mawawala ang posibilidad na ang mga tao ng Diyos ay tatanggap ng paghuhukom sa huling araw. Pinalaya na sila sa kastigo ng batas:

Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.

Mga Taga-Roma 8:1

Tanong: Sa aking palagay, ito ay isang kahanga-hangang kaisipan na pagnilaynilayin ang kamatayan ng Diyos at Kanyang maranasan ang Impyerno para sa kanyang mga hinirang; pero bago pa ito, inaamin ko na hindi ko talaga alam kung mayroon ngang Diyos o wala. Paano malalaman ng isang tao kung mayroon ngang Diyos?

Sagot: Ang ibang tao ay naniniwalang walang Diyos; o kaya’y walang kasigurahan kung Siya’y buhay o hindi. Datapuwat, ang katunayan ng kung mayroong Diyos o wala ay hindi nakasalalay sa pananaw ng tao. Ang Banal na Kasulatan ang nagsasabi na hindi maitatanggi na ang Diyos ay totoo:

Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.

Genesis 1:1

Ang mundo sa ating kapaligiran ay patuloy na nagpapatunay na mayroong Lumikha na gumawa at nagpapanatili sa lahat ng bagay. Ang kalikasan ay buong kalakasang ipinapahayag sa bawat isa sa atin na mayroong Panginoon na nasa likod ng lahat ng mga bagay:

Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay. Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, at sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman. Walang pananalita o wika man; ang kanilang tinig ay hindi marinig.

Mga Awit 19:1-3

Nakita mo, sa ating kaloob looban bawat nilalang ay nakakaalam na mayroong Diyos; at alam din nila na mayroon silang problema sa Diyos na ito:

Sapagka’t ang nakikilala tungkol sa Diyos ay hayag sa kanila; sapagka’t ito’y ipinihayag ng Diyos sa kanila. Sapagka’t ang mga bagay niyang hindi nakikita, buhat pa nang lalangin ang sanlibuthan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila’y walang madahilan:

Mga Taga-Roma 1:19,20

Tanong: Kailangan kong sumangayon sa iyo na habang nakakakita ako ng magagandang bulaklak at kahangahangang nilikha, naisip ko rin paminsan minsan na isang diyos ang gumawa ng lahat nang ito; pero kadalasan, ako ay nalilito sa tanong na, “Aling diyos?” Maraming mga relihiyon ang umaangkin na ang kanilang diyos ang tunay. Aling diyos ang tama?

Sagot: Magaling ang iyong katanungan. Ang sanlibutan ay punong puno ng mga relihiyon at ng kani kanyang mga diyos, at marami sa kanilang mga palagay tungkol sa kanilang diyos ay magkakaiba. Subalit ang Bibliya ay nagtuturo sa atin na nalalaman natin nang may kasiguruhan ang Isa at tanging tunay na Diyos:

Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala. Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.

Isaias 45:5,6

Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas. …at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin. Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.

Isaias 45:20-22

Ang Bibliya ang nagpapahayag na si Cristo Jesus ang tanging maaaring Tagapagligtas:

Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret,… At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.

Mga Gawa 4:10,12

Tanong: Sinasabi mo bang si Jesus ay Panginoon at Diyos?

Sagot: Oo! Ang Bibliya ay malinaw na nagtuturo na si Jesus ang Diyos ng Bibliya, na ipinakita sa laman:

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

Juan 1:1,14

Tanong: Hindi ba si Jesus ang tinatawag na “Anak ng Diyos”? At kung siya ay anak, kung ganun mayroong ama. Ilan diyos mayroon?

Sagot: Oo, tunay ngang si Jesus ang tinatawag na “Anak ng Diyos”. Subalit, ang Bibliya ay nagpapahayag nang walang duda na si Jesus ay walang hanggang Diyos. Ang Bibliya ay nagtuturo rin na ang Ama ay walang hanggang Diyos. Ang katotohanan ay ang Katauhan ng Diyos ay lubhang mahirap unawain para sa ating mga tao (dahil tayo ay mga nilalang na may hangganan ang kaisipan) upang maintindihan ito:

Nguni’t tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailanman; At ang sentro ng katuwiran ay siyang sentro ng iyong kaharian.

Hebreo 1:8

Ipinahahayag ng Diyos ang kanyang Sarili sa tatlong Katauhan, ngunit igingiiit niyang Siya ay natatanging Isang Diyos:

At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.

1 Juan 5:7

Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ayisang Panginoon.

Deuteronomio 6:4

Tanong: Tila ikaw ay sumasangguni at tumutukoy mabuti sa Bibliya sa mga sinasabi mo, ngunit narinig ko na ang Bibliya ay isa lamang lumang aklat na naisulat ng tao?

Sagot: Totoo ngang ang Bibliya ay isang napakatandang aklat, ngunit walang pasubaling hindi ito mula sa bibig ng mga tao. Kumilos ang Diyos sa pamamagitan ng mga propeta upang maisulat ang mga salitang tuwirang nanggaling sa Kanyang bibig. Sa ganitong paraan, ginamit ng Diyos ang mga tao bilang mamamahayag upang maisulat ang Kanyang pagpapahatid ng balita sa sangkatauhan:

Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag. Sapagka’t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.

2 Pedro 1:20,21

Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran.

2 Timoteo 3:16

Samakatwid, ang buong Bibliya ay Salita ng Diyos. Bawat Salita ng Diyos ay dalisay at banal at maaring pagtiwalaan nang ganap. Ang Bibliya ang tiyak at wakas na may kapangyarihan sa lahat ng ipinahahayag nito.

Tanong: Sabihin ko sa iyo ang totoo, hindi ko lubusan maunawaan--- dahil hindi naman ako masamang tao--- bakit kailangang mamatay ang Diyos para sa akin?

Sagot: Ang kakilakilabot na katotohanan ay ang lahat ng tao ay nahulog sa kasalanan at sumuway sa Batas ng Diyos. Nakita mo, ayon sa Batas ng Diyos, ang Bibliya, lahat ng tao ay napakasama at makasalanan:

Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:

Mga Taga-Roma 3:12

Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama:sinong makaaalam?

Jeremias 17:9

Ang Diyos ay ganap, makatarungan at banal. Hinihiling Niya ang lubos na pagsunod sa lahat ng Kanyang mga utos. Ang pagkabigo sa pagsunod sa isa man ay sapat upang maranasan natin ang Kanyang kakila-kilabot na pagkapoot:

Sapagka’t ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma’y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat.

Santiago 2:10

Kung tayo’y tapat sa ating sarili, nararapat lamang na ating tanggapin na tayo’y (kasama ng ibang mga tao) nagksala:

Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin.

1 Juan 1:8

Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga,at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;

Mga Taga-Roma 3:23

…ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.

Ezekiel 18:4

Nakita natin batay sa mga alituntunin ng Bibliya na ang parusa sa kasalanan ay kamatayan; at ang kamatayang hangad ng Diyos ay ang ikalawang kamatayan ng walang hanggang pagkawasak sa dagatdagatang apoy.

Tanong: Sa palagay mo, totoo bang itatapon ng Diyos ang mga tao sa dagatdagatang apoy?

Sagot: Oo. Ang kasalanan ay labis na nakagagalit sa Diyos. Ang kasalanan ay lubhang nakasusuklam sa walang hanggan at banal na Diyos kung kaya nararapat lamang parusahan magpakailanman ang mga lumabag sa Kanyang Batas:  

At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.

Payahag 20:15

Sapagka't, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.

Malakias 4:1

Tanong: Sinasabi mo bang ang taong binigyan ng kahatulan sa Impiyerno ay wawasakin at maglalaho magpakailanman?

Sagot: Nakapanghihilakbot, dapatwat nararapat sabihing ang sagot ay oo! Itinuturo ng Bibliya na ang paraan ng paghuhukom ng Diyos ay gunawin ang sandaigdigan kasama lahat ng nilikha. Ang buong sangkatauhan ay ganap na papawiin ng matinding poot ng Makapangyarihang Diyos:

Nguni't ang masama ay mamamatay, at ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero: sila'y mangapupugnaw: sa usok mangapupugnaw sila.

Mga Awit 37:20

Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.

2 Pedro 3:10

Tanong: Ang iyong pananalita tungkol sa Diyos ay nakakabahala. Akala ko ang mga Mananampalataya ay naniniwala sa mabuti at maamong Diyos na nagmamahal sa lahat. Ang Diyos ba ay kasindak-sindak tulad ng iyong paglalarawan?

Sagot: Ang Diyos ay mapagmahal at maawain; ngunit Siya rin ay banal at matuwid at pananagutin ang lahat ng Kanyang mga nilikha sa Kanyang wangis na lumabag sa Kanyang Batas. Ang mga tunay na mananampalataya ng Bibliya ay mayroong pagnanais na paalalahanan ang iba, sapagkat tunay nga na karapat dapat lamang na katakutan ang Diyos:

Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao…

2 Mga Taga-Corinto 5:11

Ang Panginoon ay mapanibughuing Dios at nanghihiganti; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway, at siya'y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway.

Nahum 1:2

Sapagka't ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw.

Hebreo 12:29

Hindi kayo nangatatakot sa akin? sabi ng Panginoon: hindi baga kayo manginginig sa aking harapan,…

Jeremias 5:22

Ang palagay na si Jesus ay nakangiti, maamo, at nasisiyahan sa lahat ng mga tao ay ipinapakita ng maraming mga iglesia ngayon. Ngunit ang palagay na iyan ay ganap na mali. Si Jesu Cristo ay galit sa mga kasalanan ng sanlibutan at Siya ang magpaparusa sa mga makasalanan at dadalhin ang pangwakas na paghuhukom na walang hanggang pagkawasak:

Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-raw.

Mga Awit 7:11

At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.

Mateo 10:28

Tanong: Nalalaman kong sa paliwanag na iyan, nais kong umiwas sa kaparusahan ng Impiyerno. Ano ang aking gagawin upang hindi maranasan ang kamatayang walang hanggan?

Sagot: Kailangan mong maunawaan na ang ating kalagayan ay hindi maayos. Dahilan sa ating mga kasalanan, hindi tayo makasunod nang maayos sa panawagan ng Ebanghelyo upang magsisi at manampalataya. Tayo ay mga patay sa espiritu at dahil doon walang kakayanan na gumawa ng bagay na magbibigay sa atin ng kaligtasan:

At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,

Mga Taga-Efeso 2:1

…sapagka't sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman.

Mga Taga-Galacia 2:16

Katunayan, itinuturo ng Bibliya na ang kaligtasan ay imposibleng matamo ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang sariling paraan. Tanging Diyos lamang ang makapagliligtas sa isang makasalanan:

At nang marinig ito ng mga alagad, ay lubhang nangagtaka, na nagsisipagsabi, Sino nga kaya ang makaliligtas? At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari.

Mateo 19:25,26

Tanong: Sinasabi mo bang ako ay papunta sa walang hanggang kamatayan sa kabila ng aking mga mabuting ginagawa. Wala na bang pag-asa?

Sagot: Oo mayroon pang pag-asa. Ang pag-asa ay nasa Diyos. Kinakailangang Siya ang kumilos upang ikaw ay maligtas:

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Juan 3:16

Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Diyos.

Juan 1:12,13

Tanong: Hindi ko yata lubos na maunawaan kung paano maililigtas ng Diyos ang tao. Sino sa mga iyon ang Kanyang kinahahabagan? At paano ako makatatanggap ng habag na ito?

Sagot: Ang Diyos ang gumawa ng plano ng kaligtasan batay sa kanyang pagpili. Pumili Siya ng ilan dito at ilan doon, batay sa Kanyang sariling kaluguran. Hindi ito dahil sa mabuting gawa ng tao kung bakit ito naliligtas, kundi ito ay ang natapos na gawain ng Panginoong Jesu Cristo na nagligtas sa kanya:

Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig: Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,

Mga Taga-Efeso 1:4,5

Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko, at aking kayong inihalal…

Juan 15:16

Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag,… Gaya ng nasusulat, Si Jacob ay inibig ko, datapuwa't si Esau ay aking kinapootan.

Mga Taga-Roma 9:11,13

Tanong: Paano ko malalaman kung ako ay isa sa mga pinili ng Diyos upang maligtas?

Sagot: Maaaring ikaw ay isa sa mga pinili ng Diyos o maaaring hindi--- tanging ang Diyos ang nakakaalam kung sino ang gusto Niyang iligtas; dahil doon, ipagkatiwala natin ang katanungan ng pagpili sa kapangyarihan ng Diyos. Datapuwat, maaari tayong lumapit sa Kanya sa panalangin. Pinahihintulot ng Diyos na lapitan natin Siya nang may pagpapakumbaba (tinatanggap ang ating mga kasalanan at ang ating katayuan na nasa ilalim ng Kanyang matinding galit) nang sa gayon tayo ay makahihingi ng kapatawaran:

Datapuwat't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw na itingin man lamang ang ka-niyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, na sinasabi, Dios , ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.

Lucas 18:13

Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Hebreo 4:16

Ang mga makasalanan ay may pag-asa sa Katauhan ng Diyos. Siya ay Diyos ng kaawaan. Ang pagtangis upang makamit ang kaawaan ay karapatang pinahihintulutan ng Diyos sa atin. Gaya ng manghihimagsik na hinatulan ng kamatayan, maaari tayong magsumamo sa maluwalhating Hari ng Kalangitan upang tayo ay patawarin sa ating mga kasalanan (alang-alang lamang kay Cristo):

…hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.

Mikas 7:18

At nang marinig niya na yao'y si Jesus na Nazareno, siya'y nagpasimulang magsisigaw, at nagsabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin. At siya'y pinagwikaan ng marami upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong sumisigaw, Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa akin.

Marco 10:47,48

Narinig ni Jesus ang paghingi ng awa ng bulag na pulubi at ipinagkaloob ang kanyang paningin. Ipinaaalam nito sa atin na si Cristo ay mahabagin at maawain sa mga makasalanan.

Tanong: Ang pagmamakaawa ba samakatuwid ang magliligtas sa akin sa tiyak na kapahamakan?

Sagot: Kailangan nating maging maingat. Walang pormula para makamit ang kaligtasan. Ito ay nasa Kanyang mga kamay lamang:

Sapagka't sinasabi niya kay Moises, Ako'y maaawa sa aking kinaaawaan, at ako'y mahahabag sa aking kinahahabagan.

Mga Taga-Roma 9:15

Tanong: Sa palagay ko lalapit ako sa Diyos at hihingi ng awa. Gaano katagal sa palagay mo bago ako sagutin ng Diyos?

Sagot: Hindi tayo maaring magtakda ng taning na oras sa Diyos, kaibigan. Magliligtas ang Diyos ng isang tao (kung iyon ay Kanyang kagustuhang gawin) sa Kanyang sariling panahon at paraan:

Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako.

Mga Awit 130:5

Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.

Mga Panaghoy 3:26

Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios, hanggang sa siya'y maawa sa amin.

Mga Awit 123:2

Kailangan nating maghintay sa Diyos upang gawin ang kaligtasan. Ngunit, habang naghihintay ka sa Panginoon upang iligtas ka, dapat mong malaman na ang kaligtasan ay napakahalagang bagay. Ito ay sa dahilang wala sa atin ang nakaaalam ng araw ng ating kamatayan. Ang mga araw natin ay maaaring kakaunti. Isa pa maraming mga tunay na mananampalataya ay napag-aralan sa Bibliya na ang panahon ay sandali na lamang para sa pagbabalik ng Panginoong Jesu Cristo at ang pagkawasak ng mundong ito.

Tanong: Sa palagay mo, malapit na bang magwakas ang mundo?

Sagot: Oo! Makikita natin ang pagbabalik ng Panginoon sa ika-21 ng Mayo, 2011 at ang katapusan ng mundo mismo ay sa Oktubre 21, 2011.*

Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man. Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

1 Mga Taga-Tesalonica 4:16-18

At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit, … na hindi na magluluwat ang panahon.

Payahag 10:5,6

Tanong: Tunay nga kaya na mayroon na lamang kakaunting panahon na nalalabi?

Sagot: Tama ka na kakaunti na lamang ang oras na natitira sa sangkatauhan upang mamuhay sa mundong ito. Ngunit naway magbigay pag-asa sa iyo na ang Diyos ay handang magligtas sa makasalanan, nakita na natin ito sa pagliligtas ni Jesus sa magnanakaw sa krus:

At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian. At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.

Lucas 23:42,43

Tanong: Kailangan ko bang maghanap ng Kristiyanong iglesia at magsimulang dumalo sa mga gawain habang ako ay naghihintay na iligtas ng Diyos?

Sagot: Ganap na hindi. Ang Diyos ay tapos na sa mga iglesia at mga pagtitipon sa mundo sapagkat ang kapanahunan ng iglesia ay nagwakas na. Tayo ay naninirahan sa panahon ng matinding kapighatian kung saan ang paghuhukom ng Diyos ay igagawad sa lahat ng mga sekta –maging Katoliko o Protestante-lahat ng iglesia sa lahat ng dako ng mundo ay nasa ilalim ng paghuhukom ng Diyos dahil sa kanilang pagkabigo na sundin ang Salita ng Diyos:

Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios:…

1 Pedro 4:17

Sa katunayan, inuutusan ng Diyos ang lahat ng Cristiyano saan mang dako na lumabas sa kanilang mga iglesia:

Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:

Mateo 24:15,16

Ang Diyos ay hindi na nagliligtas ng sinuman na nasa loob ng iglesia ngayon. Samakatuwid ang huling lugar na nais puntahan ng isang Cristiyano ngayon ay ang iglesia. Ngunit nagliligtas Siya ng napakaraming bilang ng tao sa labas ng mga iglesia sa ating kapanahunan:

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan… …Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

Payahag 7:9,14

Tanong: Kung hindi ako magtutungo sa isang Cristiyanong iglesia, samakatuwid paano ko matatagpuan ang kaligtasan?

Sagot: Ito ay sa pamamagitan ng Bibliya na ang Diyos ay gumaganap ng Kanyang pagliligtas. Sa gayong dahilan ay dapat nating hangarin ang pagbabasa ng Bibliya ng lalo pang higit. Nagliligtas Siya ng bawat isa sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Diyos:

Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.

Juan 6:63

Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

Mga Taga-Roma 10:17

Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.

Mga Awit 119:97

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya, maaari nating malaman kung ang Diyos nga ay tunay na namatay para sa ating mga kasalanan. Naway magamit ng Diyos ang Banal na Kasulatan na inyong natunghayan sa babasahing ito upang kayo’y mapagpala ng Kanyang kaligtasan.

 

*Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa “rapture” ng mga piniling anak ng Diyos sa Mayo, 2011 at ng pangwakas na pagkagunaw ng mundo sa Oktubre, 2011, maari kayong makipag alam sa amin sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Makiisa sa amin sa “live fellowship” sa pamamagitan ng pakikinig sa Internet sa website na ito:

www.ebiblefellowship.com

Makinig sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng “Internet Broadcast” na matatagpuan sa aming website o kaya'y sundan ang mga paraan upang magkaroon ng Paltalk sa inyong computer ng walang bayad.

Maari kayong tumawag sa telepono sa E-Bible Fellowship (EBF) ng walang bayad sa numerong ito: 1-877-897-6222 (sa loob lang ng USA).

Maaari rin kayong mag-iwan ng mensahe, tanong o kaya ay magpahayag ng inyong mga palagay o komentaryo sa:

  www.ebiblefellowship.com/contactus

O kaya naman ay magpadala ng liham sa amin sa:

EBible Fellowship, P.O. Box 1393, Sharon Hill, PA 19079 USA

DGDFY-2008.10.23-Tag