Printer-Friendly PDF Version
US Legal (8.5 x 14)
.pdf
Download Adobe Acrobat Reader

 

ARAW NG PAGHU­HUKOM!
Mayo 21, 2011

hourglass

At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan nilang limang buwan: at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao.   Revelation 9:5

Ang Pagg­unaw Ng Mundo
Oktubre 21, 2011


Ang layunin ng polyetong ito ay upang ipabatid sa inyo ang mahigpit na pangangailangan sa ngayon para sa bawat isang tao sa mundo na makipagkasundo sa Diyos. Ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos! Lahat ng mga ipinahahayag sa Bibliya ay may lubos na kapangyarihan ng Diyos mismo. Sa ngayon, ang mga kaalaman ay nagmumula sa Bibliya na malinaw na nagbubunyag ng plano ng Diyos sa darating na Araw ng Paghuhukom at ang katapusan ng mundo mismo. Binuksan na ng Bibliya ang kanyang mga lihim patungkol sa tala orasan ng kasaysayan. Ang kaalamang ito ay hindi kailanman nahayag sapagkat isinara ng Diyos ang Kanyang Salita upang pigilan ang anomang tangka na magtamo ng pagkabatid sa pagwawakas ng mundo. Mababasa natin ito sa aklat ng Daniel:

Daniel 12:9 At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.

Gayon pa man, sa kasalukuyan, binuksan na ng Diyos ang Kanyang Salita (ang Bibliya) upang ibunyag ang napakahalagang katotohanan patungkol sa pagwawakas ng panahon (at marami pang mga katuruan). Gayundin, sa kaparehong kabanata sa Daniel, ito ang isinasaad:

Daniel 12:4 Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.

Binubuksan na ng Diyos ang Kanyang Salita sapagkat dumating na ang oras ng pagwawakas. Sa ganitong dahilan, malinaw sa isang masigasig na mag-aaral ng Bibliya na tayo ay nabubuhay sa mga huling araw ng kasaysayan ng mundo.

ANG TALAAN NG KASAYSAYAN NG BIBLIYA

Binuksan na ng Diyos ang pagkaunawa ng Kanyang mga anak patungkol sa Talaarawan o Talaan ng Kasaysayan na matatagpuan sa mga pahina ng Bibliya. Ang mga pinagmulan ng lahi mula sa aklat ng Genesis, higit sa lahat mula sa ika-5 at ika-11 na mga kabanata, ay nagpapakita ng tiyak na talaan ng kasaysayan ng sangkatauhan sa mundong ito. Ang talaan o kalendaryo ng kasaysayan ng Biblya ay ganap na wasto at mapagkakatiwalaan.

Sapagka’t itong kalendaryo o talaan ng Bibliya ay ipinagkaloob ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ito ay mapagkakatiwalaan ng buong puso. Sa maikling pamplet na ito, aming ibabahagi ang ilan sa mga katibayang nagmula sa kalendaryo ng Bibliya at mula sa mga iba pang pag-aaral ng kasulatan. Gayunman, ang kabuuan ng mga kaalaman na maaaring makamit ay lubhang marami at mahirap unawain upang isaysay ng puspusan sa maikling pamplet na ito, ngunit maari at nais naming magbigay ng tiyak at kapani-paniwalang mga petsa. Ang mga petsang ito ay maaring pagtiwalaan ng ganap sapagkat nagmula ang mga ito sa Bibliya. (Ang Ebiblefellowship ay walang ano mang pagkakaugnay sa Family Radio, gayunman, labis naming inirerekomenda na kumuha kayo ng libreng kopya ng aklat na “We Are Almost There!” sa pamamagitan ng pagliham sa sumusunod na direksiyon: Family Stations, Inc., 290 Hegenberger Rd., Oakland, CA 94621. Ang aklat na ito ang higit na magbabahagi ng puspusan patungkol sa takdang oras ng Araw ng Paghuhukom at ng pag-gunaw ng mundo. Maari nyo rin mabasa o mai-download ang “We Are Almost There!”sa inyong computer sa www.familyradio.com).

PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA KASAYSAYAN

11,013 BC—Paglikha. Nilikha ng Diyos ang daigdig at ang sangkatauhan (Adan at Eva).

4990 BC—Ang baha sa panahon ni Noah. Ang lahat ay napuksa sa baha na laganap sa lahat ng dako ng mundo. Tanging si Noah, ang kanyang asawa, at ang kanyang 3 anak na lalaki at kani-kanilang mga asawa ang mga nakaligtas sa arko (6,023 taon mula sa paglikha ng sangkatauhan).

7 BC—Taon ng kapanganakan ng Panginoong Jesu Cristo (11,006 taon magmula ng pasimula ng paglalang).

33 AD—Taon ng pagkakapako sa krus ng Panginoong Jesu Cristo at ang pasimula ng kapanahunan ng iglesia. (11,045 taon magmula ng pasimula ng paglalang; 5,023 taon mula sa panahon ng baha).

1988 AD—Sa taong ito nagwakas ang panahon ng iglesia at nagsimula ang kapanahunan ng matinding pagdurusa sa loob ng 23 taon (13,000 taon mula sa paglikha ng sangkatauhan).

1994 AD—Ika-7 ng Septiyembre nang ang mga unang 2,300 araw ng kapanahunan ng matinding pagdurusa ay nagwakas at nagsimula ang huling ulan, na siyang pasimula ng plano ng Diyos na magligtas ng napakalaking bilang ng mga tao sa labas ng iglesia (13,006 taon mula sa paglikha ng sangkatauhan).

2011 AD—Sa ika-21 ng Mayo magsisimula ang Araw ng Paghuhukom at ang “rapture” (isasama papaitaas sa langit ang lahat ng mga hinirang ng Diyos) ay magaganap sa huling yugto ng 23 taon ng matinding pagdurusa. Sa ika-21 ng Oktubre, ang buong mundo ay magugunaw sa pamamagitan ng apoy (7,000 taon mula sa pagbaha; 13,023 taon mula sa paglikha ng sangkatauhan).

ANG ISANG ARAW AY KATULAD NG 1,000 TAON

Napag aralan ng anak ng Diyos buhat sa Bibliya na ang pananalita mula sa aklat ng Genesis ay may dalawang kahulugan.

Genesis 7:4 Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa.

Batay sa kasaysayan, nang ipahayag ng Diyos ang mga salitang ito, mayroon pitong araw na lamang na nalalabi kay Noah, sa kanyang pamilya at sa mga hayop upang makapasok sa arko upang makaligtas, ngunit sa espirituwal na pananaw (at ang Bibliya ay banal na aklat), ang Diyos ay nangungusap sa lahat ng mga tao sa buong mundo at nagpapahayag na ang makasalanang sangkatauhan ay mayroong 7000 taon upang makatagpo ng kanlungan sa pagliligtas ni Jesu Cristo. Paano natin mababatid ito? Ating kilalanin na ito ay batay sa mababasa natin sa 2 Pedro, kapitulo 3.

2 Peter 3:6-8 Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak: Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama. Datapuwa't huwag ninyong kalimutan, mga minamahal, ang isang bagay na ito, na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw.

Ang kahulugan ng 2 Pedro 3 ay lubhang mahalaga. Sa nangungunang mga talata, binanggit sa atin ng Diyos ang pagkawasak ng mundo sa pamamagitan ng laganap na pagbaha noong panahon ni Noah. Kasunod nito, ating matatagpuan ang isang panawagan kung saan nararapat na huwag nating kalimutan na ang 1 araw ay katulad ng 1,000 taon at ang 1,000 taon ay katulad ng 1 araw. Kasunod ng kaunting kaalamang ito ay ang napakalinaw na paglalarawan ng pagwasak ng kasalukuyang mundo sa pamamagitan ng apoy.

Ano kaya ang nais ipabatid ng Diyos sa atin sa pag-uugnay ng 1 araw ng katulad sa 1000 taon?

Sapagkat ating natuklasan ang talaan ng kasaysayan mula sa mga pahina ng Bibliya, ating nakita na ang baha noong kapanahunan ni Noah ay naganap noong taong 4990 BC. Ang petsang ito ay ganap na tiyak (para sa karagdagang kaalaman patungkol sa mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kasaysayan mula sa Bibliya, magtungo sa www.familyradio.com).  Noong taong 4990 BC kung saan ipinahayag ng Diyos kay Noah na mayroon na lamang 7 araw hanggang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa. Samakatuwid, kung ating ilalagay ang 1000 taon sa bawat isa sa mga 7 araw na iyon, ang matatamo natin ay 7000 taon. At kung ating sisimulan ang pagbilang ng 7000 taon patungo sa hinaharap magmula 4990 BC, makikita natin na ito ay tutugma sa darating na taong 2011 AD.

   4990 + 2011 = 7001   

Paalaala: Kapag magbibilang simula sa petsa ng Lumang Tipan hanggang sa petsa ng Bagong Tipan, laging magbawas ng isang taon sapagkat walang taon o petsa na “zero”, at ang resulta ay ito:

   4990 + 2011 – 1 = hustong 7000 taon.

Ang taong 2011 AD ay ang ika-7000 taon mula ng pagbaha noong kapanahunan ni Noah. Ito ang katapusan ng buong panahon na ipinagkaloob sa sangkatauhan upang makasumpong ng biyaya sa paningin ng Diyos. Nangangahulugan na ang takdang oras upang matagpuan ang kanlungan kay Cristo ay lubha nang maigsi. Kakaunti na lamang ang panahon na nalalabi hanggang sa dumating ang taong 2011 AD! Hindi nakapagtataka na ang mga anak ng Diyos ay mabigyan ng kabatiran patungkol sa takdang oras ng pagwawakas ng mundo. Sa katunayan, isinasaad sa Bibliya na ito ay karaniwang pangyayari. Sa nakalipas na mga panahon, nagbabala ang Diyos sa kanyang mga anak ng mga napipintong paghuhukom:

Amos 3:7 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.

Hebrews 11:7 Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya.

ARAW NG PAGHUHUKOM: MAYO 21, 2011

Ating napag alaman na ang taong 2011 ang ika-7000 taon magmula ng baha. Gayundin, ating nabatid na gugunawin ng Diyos ang mundong ito sa taon ding yaon. Ngunit kailan ito magaganap sa pagdating ng taong 2011?

Ang sagot dito ay kamangha-mangha. Tunghayan natin minsan pa ang salaysay patungkol sa baha sa aklat ng Genesis:

Genesis 7:11 Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan.

Tapat sa Kanyang Salita, nagpadagsa ang Diyos ng baha pagkatapos ng 7 araw, sa ika-600 taon, ng ika-17 araw ng pangalawang buwan ng kalendaryo o talaan na katulad ng haba ng buhay ni Noah. Yaong ika-17 araw ng pangalawang buwan nang isinara ng Diyos ang arko, kung saan tiniyak ang kaligtasan ng lahat ng mga naninirahan doon at gayundin, pagpasyahan ang kahahantungan ng bawat-isa na nasa labas ng arko. Silang lahat ay tiyak na mangamamatay sa malaking sakuna na laganap sa buong mundo.

Genesis 7:16,17 At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon. At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa.

Nabanggit sa mga naunang pagtalakay na ang panahon ng iglesia ay nagwakas na noong taong 1988 AD. Ito ay nataon na nag-umpisa ang panahon ng iglesia sa araw ng Pentecostes (ika-22 ng Mayo) noong taong 33 AD. Kasunod noon pagkaraan ng 1955 taon, ang panahon ng iglesia ay sumapit na sa katapusan noong ika-21 ng Mayo, na siyang araw bago dumating ang Pentecostes noong 1988.

Itinuturo ng Bibliya na ang pagwawakas ng panahon ng iglesia ay magaganap kasabay ng pasimula naman ng matinding kapighatian:

Matthew 24:21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

Noong ika-21 ng Mayo 1988, winakasan na ng Diyos ang paggamit sa mga iglesia at mga kapulungan sa buong mundo. Umalis na ang Espiritu ng Diyos sa lahat ng mga iglesia at si Satanas, ang tao ng kasalanan, ay pumasok sa mga iglesia upang mamuno magbuhat nang panahong yaon. Itinuturo sa atin ng Bibliya na itong kakila-kilabot na panahon ng paghuhukom sa mga iglesia ay magtatagal ng hanggang 23 taon. Ang buong 23 taon (hustong 8,400 araw ) ay magmula sa ika-21 ng Mayo, 1988 hanggang ika-21 ng Mayo, 2011. Ang kabatirang ito ay natuklasan sa Bibliya na ganap na hiwalay mula sa mga kaalaman patungkol sa 7000 taon mula noong baha. Samakatwid, makikita natin na ang buong 23 taon na panahon ng kapighatian ay magwawakas sa Mayo, 21, 2011. Ang petsang ito ang tiyak na araw ng pagwawakas ng matinding kapighatian, at ito rin ang maaaring batayang dako ukol sa 7000 taon magmula ng baha sa panahon ni Noah.

Tandaan na isinara ng Diyos ang pinto ng arko noong ika-17 araw ng ika-2 buwan sa kalendaryo ni Noah. Nakita rin natin na ang petsang Mayo 21, 2011 ay ang katapusan ng matinding kapighatian. Mayroong matibay na pagkakaugnay sa pagitan ng ika-2 buwan at ika-17 araw sa kalendaryo ni Noah at ng petsang ika-21 ng Mayo, 2011 sa ating kalendaryong Gregoryan. Ang kaugnayang ito ay hindi kaagad mapapansin hanggang ating matuklasan na mayroon pang isang kalendaryo na dapat isaalang-alang, kung saan ito ay ang Hebreo (o Biblikal) na kalendaryo. Ang petsang Mayo 21, 2011 ay siya ring ika-17 araw ng ika-2 buwan sa kalendaryo Hebreo. Sa pamamagitan nito, tinitiyak sa atin ng Diyos na tayo’y mayroong tumpak na pagkakaunawa patungkol sa 7000 taon na talaorasan magmula noong baha. Ang ika-21 ng Mayo 2011 ay ang siyang katumbas na petsa noong isinara ng Diyos ang pintuan sa arko ni Noah. Mula dito at sa iba pang mga kaalaman mula sa Bibliya, mahahayag sa atin na ang Mayo 21, 2011 ay ang takdang araw na ipagsasama ng Diyos sa langit ang lahat ng Kanyang mga hinirang. Ang ika-21 ng Mayo, 2011 ay ang Araw ng Paghuhukom! Ito ang araw na sasarhan ng Diyos ang pintuan ng kaligtasan sa buong mundo.

Sa maikling salita, sa pagtatapos ng pagdanas ng matinding kapighatian sa araw na kaugnay sa ika-17 araw ng ika-2 buwan sa kalendaryo ni Noah, walang pag-aalinlangang tinitiyak sa atin ng Panginoon na ito ang araw na itinakda Niya upang isara ang pintuan ng langit magpakailanman:

John 10:9 Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.

Malinaw na isinasaad sa Bibliya na si Cristo lamang ang tanging daan patungo sa langit. Siya lamang ang ating tanging lagusan patungo sa kaluwalhatian ng kaharian ng langit.

Acts 4:12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.

Sa sandaling ang pintuan (Hesus) ay masarhan sa pagsapit ng Araw ng Paghuhukom , wala nang maaaring maligtas sa balat ng lupa:

Revelation 3:7 …Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:

Itinuturo sa Bibliya na sa darating na Mayo 21, 2011, tanging ang tunay na mga mananampalataya na hinirang ng Diyos upang tumanggap ng kaligtasan ang ipagsasama sa “rapture”(isasama papaitaas) palabas sa mundong ito upang salubungin ang ating Panginoon sa himpapawid at nang sa gayon ay makapisan ang ating Panginoon magpakailanman.

1 Thessalonians 4:16,17 Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.

Ang lahat ng mga naiwan sa sangkatauhan (bilyong bilang ng mga tao) ay makararanas ng nangakatatakot na kahatulan ng Diyos, kakila-kilabot na panahon ng pagdurusa sa ibabaw ng mundo sa loob ng 5 buwan.

Revelation 9:3-5 At nangagsilabas sa usok ang mga balang sa lupa; at binigyan sila ng kapangyarihan, na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan. At sinabi sa kanila na huwag ipahamak ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang tatak ng Dios sa kanilang mga noo. At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan nilang limang buwan: at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao.

ANG PAGGUNAW NG MUNDO:OKTUBRE 21, 2011

Sa biyaya at kamangha-manghang habag ng Diyos, pinagkalooban Niya tayo ng mga paunang babala ukol sa nais Niyang gawin. Sa pagsapit ng Araw ng Paghuhukom, ika-21 ng Mayo, 2011 ang 5- buwan panahon ng kakila-kilabot na pagdurusa ay magsisimula para sa lahat ng mga naninirahan sa mundo. Sa ika-21 ng Mayo kung saan ibabangon ng Diyos ang lahat ng mga patay mula sa kanilang libingan. Wawasakin ng mga lindol ang buong mundo sapagkat ang mga nangamatay ay hindi na muling tatakpan ng lupa (Isaiah 26:21). Ang bawat isang tao na namatay na ligtas ay makararanas ng pagkabuhay na muli ng kanilang mga katawan at kaagad iiwanan ang mundong ito upang makapisan nang walang hanggan ang Panginoon. Iyong mga nangamatay na hindi ligtas ay ibabangon ding muli, subalit ito ay upang ang kanilang mga bangkay ay ikalat sa lahat ng panig ng daigdig. Ang kamatayan ay magiging laganap sa lahat ng dako.

Binigyang-diin rin ng Panginoon ang 5 buwan na kakila-kilabot na paglipol sa huling talata ng Genesis kabanata 7:

Genesis 7:24 At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw.

Limang buwan pagkatapos ng ika-21 ng Mayo, 2011 ay ang ika-21 ng Oktubre, 2011. Nataon na ang ika-21 ng Oktubre, 2011 ay yaon ding huling araw ng Kapistahan ng mga Tabernakulo sa Bibliya (idinaos kasabay ng Kapistahan ng Pagaani). Ang mga Tabernakulo ay idinaraos sa ika-7 buwan ng kalendaryong Hebreo. Ang pagpapahayag ng Diyos patungkol sa kapistahang ito sa Bibliya ay lubhang mahalaga.

Exodus 23:16 …at ang pista ng pagaani, sa katapusan ng taon, nang pagaani mo ng iyong kapagalan sa bukid.

Exodus 34:22 At iyong ipangingilin ang kapistahan ng mga sanglinggo, ang sa mga unang bunga ng pagaani ng trigo, at ang kapistahan ng pagaani sa katapusan ng taon.

Ang Kapistahan ng mga Tabernakulo / Pagaani ay nabanggit na idinaos sa “katapusan ng taon” bagaman ito ay ipinagdiriwang sa Hebreo sa ika-7 buwan, na hindi ang katapusan ng taon. Ito ay sapagkat ang spiritwal na kaganapan ng natatanging pistang ito ay ang katapusan ng mundo. Ang petsang Oktubre 21, 2011 ay ang huling araw ng Kapistahan ng mga Tabernakulo at siya ring huling araw ng pagkakaroon ng buhay sa mundong ito. Inilalarawan ng Bibliya ang mga mangyayari sa darating na ika-21 ng Oktubre, 2011 sa mga sumusunod na talata:

2 Peter 3:10 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.

Kasabay ng buong mundo at sandaigdigan, lahat ng mga nangagkasala laban sa Diyos at pati mga hindi nakasama ay matutupok sa pamamagitan ng apoy at wawasakin magpakailanman.

2 Thessalonians 1:8,9 Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.

Sa darating na ika-21 ng Oktubre, 2011, ganap na gugunawin ng Diyos ang lahat ng nilikha at kasama ang lahat ng mga taong hindi nakaranas ng kaligtasan kay Jesucristo. Ang kakila-kilabot na kabayaran ng kanilang makasalanang paghihimagsik laban sa Diyos ay magtatapos sa kawalan ng buhay na walang hanggan. Sa darating na ika-21 ng Oktubre, 2011, lahat ng mga kahabag-habag na nilalang ay maglalaho na mula sa araw na yaon. Nakalulungkot na ang isang marangal na tao, nilikha sa larawan ng Diyos, ay mamamatay katulad na isang hayop at mamatay magpakailanman.

Psalm 49:12 Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan: siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay.

Napakarami pang maaring ibahagi. Datapuwat, mga minamahal, kung inyong ipahihintulot, ipinagbibigay alam sa inyo na ang kaligtasan ay malapit nang magwakas! Binigyan ng Diyos ang lahat ng nilikha ng 7000 taon mula noong baha at sa ngayon ay kakaunti na lamang ang nalalabing mga araw hanggang sa sumapit ang ika-21 ng Mayo, 2011. Bago natin mabatid ito, ang panahong nalalabi ay nagwakas na. Ang mga ilang butil ng buhangin na natitira sa ating orasa ay magtatapos at mauubos magpakailanman. Bagaman kakaunti na lamang ang panahon na nalalabi, naroroon pa rin ang kagilagilalas na pag-asa sa sinoman.

2 Corinthians 6:2 (Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):

Hindi gumugugol ang Diyos ng matagal na panahon upang magligtas ng isang tao. Sa mga nalalabing oras ng lubhang makasalanang pamumuhay, ang magnanakaw na nakapako sa krus ay iniligtas ni Kristo.

Luke 23:42,43 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian. At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.

Ang aming dalangin ay tanggapin ninyo ang polyetong ito sa diwa ng dalisay na pagmamalasakit kung kaya’t ito’y iniaalok. Sa pagbabasa ninyo ng pamplet na ito, pakiusap na maingat na pag-aralan ang mga taludtod na sinipi mula sa Bibliya sapagkat ang mga ito ay Salita ng Diyos at kung ganoon ay nagtataglay ng lubos na kapangyarihan at kapamahalaan. Ang ating tanging pag-asa upang maligtas ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng Salita ng Diyos. Ngayon na ang panahon kung saan ang pintuan ng langit (Cristo) ay nabuksan. Ngayon na ang panahon kung saan ang Diyos ay nagliligtas ng napakalaking bilang ng mga tao magmula sa paligid ng mundo sa labas ng mga iglesia at mga kapisanan.

Revelation 7:9,13,14 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihanna di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay; …Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling? At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.

Ang Diyos ay nagliligtas sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Diyos at wala nang iba pang kaparaanan.

Romans 10:17 Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

Basahin ang Bibliya kasama ang inyong buong pamilya (lalo na sa inyong mga anak), at kasabay ng inyong pagbabasa, dumalangin para sa kaawaan. Manalangin sa puspos ng kahabagan at mapagbiyayang Diyos ng Bibliya upang nawa’y iligtas Niya kayo sa nalalapit na kapahamakan. Napag-alaman natin ng bahagya ang tungkol sa kamangha-manghang awa ng Diyos sa aklat ng Jonah. Nagbigay rin ang Diyos ng paunang babala sa mga tao sa Ninevah patungkol sa paggunaw ng kanilang bayan:

Jonah 3:4-9 At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak. At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo'y huwag mangamatay.

Hindi nilipol ng Diyos ang mga mamamayan ng Ninevah. Bagaman hindi maaaring mangyari na hindi itutuloy ng Diyos ang kanyang tangkang paggunaw sa buong mundo sa darating na 2011, mauunawaan natin mula sa Kanyang pakikitungo sa mga tao sa Ninevah na ang Diyos ay mahabagin at puspos ng kaawaan. Nawa ay magbigay lakas loob ito sa atin upang dumulog sa Diyos at magsumamo sa Kanyang dakilang kaawaan.

Psalm 86:15,16 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan. Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;…

 

Para sa mga karagdagang kaalaman pumunta sa:

www.ebiblefellowship.com

Makinig sa pangkasalukuyang pagsasahimpapawid na matatagpuan sa bahaging “Internet Broadcasts” sa aming website o kaya’y sundan ang mga paraan upang magkaroon ng Libreng “Paltalk” sa inyong computer.

Maari kayong tumawag sa EBF ng walang bayad sa numerong ito: 1-877-897-6222 (sa loob lamang ng USA).

Maaari rin kayong mag-iwan ng mensahe, tanong o kaya ay magpahayag ng inyong mga palagay o komentaryo sa:

  www.ebiblefellowship.com/contactus

O kaya naman ay magpadala ng liham sa amin sa:

EBible Fellowship, P.O. Box 1393, Sharon Hill, PA 19079 USA

May21_2009.8.10-Tag